Your Ad Here

Tuesday, June 23, 2009

Ang Pagmamahal ng Ama

Mahal na mahal ng ama natin sa langit si Jesucristo.kahit ako na kuya pag nakikita ko ang kapatid ko na walang kumot at nilalamig, nahihirapan ang kalooban ko, na kahit kumot ko para lang hindi sya lamigin ibibigay ko.

Anu pa kaya ang pakiramdam ng isang ama pag nakikita nila na umiiyak ang kanilang baby mas hirap ang kalooban nila kaysa sakin sabi ng isang tatay halos madurog ang puso nya pag umiiyag ang anak nya na isang buwan palang, hindi nya alam ang gagawin nya, na pinagdadasal nya na sana ibigay nyo nalang sakin ang sakit na nararamdaman ng anak ko.

Alam ko na ganun din ang naramdaman ng ama natin sa langit ng ipinanganak si jesucristo sa sabsaban na ipinadala ng ama natin langit ang isang malaki at maliwanag na star dahil madilim ang lugar ng kanyang anak.na miski ako isang tito ng anak ng ate ko gagawin ko din na maging maliwanag ang lugar nya pag natotulog sya. At pag naiisip ko na yong anak ko sasaktan ng iba nasasaktan ang kalooban ko, kaya alam ko na masakit din sa kalooban ng ating ama sa langit na nakikita nya na sinasaktan si Jesucristo. Kaya naman yong namatay si Jesucristo sa cruz ganun nalang ang hinagpis ng ama na umulan ng tatlong araw at tatlong gabi at nagkaroon ng kadiliman sa buong mundo at maraming kilalang lugar ang lumubog sa tubig at kinain ng lupa ang iba naman ay tinupog ng apoy.at dahil sa lakas ng hangin, kidlat at lindol, na deformed ang buong mundo na kahit kailan hindi pa natin nararanasan.

Ang example ng mga kilalang lugar na lumubog sa dagat kinain ng lupa at apoy ay Zarahemla,city of Gilgal,Moronihah at marami pa ang nasira, marami ang nasawi at nasugatan at sinabi ng ama na sya ay nasusuya sa atin. Ganun sya labis nasaktan sa Nangyari sa kanyang bugtong na anak. Naaalala ko na bago mamatay si jesucristo sinabi nya patawarin mo sila ama dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Marami sa gobyerno na gusto nila na tawagin natin silang price, king, President pero ang ating ama sa langit, ang gusto nya itawag natin sa kanya ay ama. At Ibinigay nya sa atin ang scripture,prophet at ang kanyang bugtong na anak para makabalik tayo sa kanyang kaharian.

No comments:

Post a Comment

Your Ad Here