Your Ad Here

Friday, March 12, 2010

Your Father's loves you.




May isang mag ama na naninirahan sa malayong bayan, malapit sila sa magupat na bundok.
Ang ama niya ay may sakit na wala ng lunas dahil sa sakit nito hindi na nito magawang makalakad
at dahil kapos din sila sa pera nag pasya ang anak niya na iligaw nalang niya ang ama niya sa gubat,
kaya pinusan niya ang ama niya papunta sa magubat na bundok para duon iwan. Habang nasa daan napansin nya na ang bawat nilalakaran nila ay pumuputol ng maliliit na sanga ang ama niya, kaya ibinaba nya ito para magpahinga at magtanong sabi nya. Ama bakit ka nagpuputol ng maliliit na sanga at hinuhulog sa mga dinaraan natin? sagot ng Ama. Anak,,,Ayaw ko kasi maligaw ka sa pag uwi mo.

Yong narinig ko ito,, naiyak ang puso ko,,,talaga pala na mas iniisip pa ng magulang ang anak kaysa sa sarili nila.Ang tatay ko matagal ng patay,, dati hinihiling ko na magkaroon ako ng buhay na walang hanggan pero ngayon ayaw ko na, para dumating ang araw na makita at makapiling ko uli ang tatay ko.Naniniwala ako na may buhay sa kabilang buhay dahil, nagawang makabalik ni Jesus Christ dito sa lupa pagkatapos niya mamatay ng tatlong araw at nakabalik pa sya sa piling ng kanyang Ama sa langit.

Pahalagahan at iparamdam nyo na mahal nyo ang magulang nyo.Habang,,Nakikita nyo pa sila. Kahit na minsan napapalo at napapagalitan kayo, kahit na tingin nyo mali ang magulang nyo.
Iparamdam nyo parin na mahal nyo sila, dahil,, hindi nyo lagi sila makakasama.
Your Ad Here